PANGAKO NG BAGONG TAON (Ang Larawan Part 4)
“Hindi mo kagustuhan ang nangyari sayo. Wala kang kasalanan para magdusa ka sa mapait na karanasan mo. Parang ikaw ang naging kasagutan sa panalangin ko,” Matalinghagang sabi ni Roy.
“Ano ito?” Tanong ni Aleli kay Roy nang iabot nito ang isang lumang kahon.
Hating gabi na noon. Ilang oras na lang ay bagong taon na. Nasa may veranda sila. Nakatanaw silang dalawa sa ibaba ng malawak na lawn ng ancestral house na ito ng mga Hernandez. Umiilaw ang mga Christmas lights na nakapalamuti sa mga puno na nasa loob ng bakuran. At nagkakatuwaan ang mga kawaksi ng mga Hernandez habang inilalagay ang mga kwitis at mga lusis na sisindihan pagsapit ng bagong taon.
“Nabasa ko sa Diary mo sa iyong bag na natagpuan ko sa tabi mo ng mapahandusay ka sa loob ng simbahan na January 1 ang birthday mo, regalo ko sayo yan, at engagement na rin natin. Wala nang panahon na ibili kita ng regalo at engagement ring, pagkatapos na lang ng bagong taon,”Sabi ni Roy na nakatitig sa kanyang mga mata.
“Nabasa mo? Alam mo kung bakit ako napadpad dito sa Ilocos?” Nagugulumihanang tanong nya sa kaharap. Ibig nyang matunaw at maglaho sa harapan ni Roy ng tumango ito.
“Hindi mo kagustuhan ang nangyari sayo. Wala kang kasalanan para magdusa ka sa mapait na karanasan mo. Parang ikaw ang naging kasagutan sa panalangin ko,” Matalinghagang sabi ni Roy. Subalit ang nasa isip ni Aleli ay ang katotohanang, ang binata rin ang kasagutan sa panalangin nya doon sa simbahan. Walang katagang napayakap siya kay Roy at tahimik na lumuha.
“O cheer up, mag iiyakan ba tayo eh malapit na ang New Year at ang birthday mo? Buksan mo na yang regalo ko sayo,” Sabi pa ng binata, na pinunasan ang luhang namamalisbis...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





