ATTORNEY AT LAW (PART 22 BLACKMAIL)

..

Day 2 ng seminar. Maganda ang topic ng seminar. Ang speakaer at resource person ay ang lalaki na tinawag na daddy ng babae sa passenger’s lounge na nanghiram sa akin ng aking fountain pen. Ang title ng topic ay “The Law and the inherent idea or context of the Law”. Nagkaroon agad ako ng interest sa resource person. Una ay dahil sa babae na tumawag sa kanya ng ‘daddy’. At pangalawa ay magaling siyang resource person. Ang mga binigyang diin nya ay batay sa maraming mga jurisprudence at mga legal anecdotes at mga constitutional provisions hindi lang sa local kundi maging sa international  legal standards and literatures. Well researched ang topic nya at talagang nakapag bubukas-isipan.

 

Pagkatapos ng questions and answers portion at discussions ay nagkaroon kami ng break. Ang marami ay pumunta sa smoking zones para manigarilyo. Ang iba ay para makipag huntahan lang at naghahanap ng mga bagong panyero at connections syempre. Ang success minsan sa lahat ng aspeto ng career o negosyo ay dumi-depende sa kanyang network of influence and ally. Kaya karamihan sa mga abugado ay kasapi ng iba’t-ibang organizations tulad ng mga fraternities, sororities, civic organizations at mga non-profit institutions para lumawak ang kanilang sphere of networks and influence.

 

Isa ito sa masasabi kong weakness at kakulangan ko. Hindi ako sumasapi sa mga ganitong samahan. Kaya wala akong brothers o sisters sa aking pagiging abugado. Mas gusto ko ang malayang galaw. Yung tatayo ako sa isang ka...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow