THE WEAKEST LINK (SAMANTHA 4)
Malakas ang ulan sa labas ng kanilang bahay. Nagngangalit ang bawat patak nito sa bubungan nina Sam. Ang halumigmig na dala ng masinsing patak ng ulan ay nag-iiwan ng tila hamog na nakapanikit sa saradong bintana na sliding glass.
Painot-inot na bumangon si Sam. Nagtungo siya sa malapit sa may bintana. Pinanood nya sa labas ang pagbagsak ng masisinsing patak ng ulan sa nagpuputik nang bakuran nila.
Tiningala nya ang madilim na kalangitan. Sa nagdidilim na mga ulap sa papawirin, iniisip nyang matagal at mahaba pa ang mga sandali bago tumigil ang ulan.
Pero, tiyak din, titigil din ito. Matatapos din ang pagbuhos ng ulan.
Kinipit nya ang suot na damit-pambahay. Ang ginaw na dulot ng ulan at pabugso-bugsong pag-ihip ng hangin ay nagdudulot ng nanunuot sa butong ginaw. Subalit, b...
You've reached your weekly limit of 5-page free articles/stories.
To continue reading, please log in or sign up for free to view our stories without limit.
Rate This Story:
You need to be a member to Rate this story. Thanks
Please Support our Author - Omi Etraude!
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





