Chick Magnet 6

Story of Napoleon De Jesus

..

Chick Magnet 6

18+

By: Razel22

Di lahat ng nasa harapan o nakikita mo ay totoo. Napakaraming mapaglinlang sa mundo kabilang na doon ang mga taong nakapaligid satin. Di porket ka close mo o solid sayo ay mananatiling totoo hanggang sa huli . 

Yan ang mga salita ng aking Ninong Dodong na tumatak na rin saking isipan.

Nung oras na yun ay nakatayo kami ni Pamela sa rooftop ng gusaling pagmamay-ari ng aking Lola Marga. May mga nadinig na ako kanina habang may kinakausap siya sa telepono pero di pa rin ako nakakasiguro. Ika nga nila na huwag mag padalos dalos sa lahat ng bagay. 

Ngunit ang di ko lang mawari ay yung huli ko na si Pamela pero matigas pa rin ang paninindigan nito na siya at ang babaeng hinahanap ko ay iisa. Kita sa mata niya ang pagkainosente at palaban.

Ibang-iba sa Pamela na nakasama ko nung umaga at iba rin nung hapon. 

Parang tatlong pagkatao.

May ganun ba talaga? Yun ang di ko alam dahil hindi ko na experience na makasalamuha ng mga ganoong katauhan.

Sa ihip ng malamig na hangin sa kadiliman ng gabi . Titig na titig sakin ang napakagandang dalaga at kita ang pagod sa mukha nito na para bang ayaw ng ipagpatuloy ang aking pinipilit " Sir Please. . . .Pagod ako sa maghapong kakatrabaho at masakit ulo ko sa ininom ko kanina. This is not my working hours anymore kaya please Sir. . . . Pwede bang makapagpahinga muna? " marahan na pagkakasabi ni Pamela at parang nawala na rin ang tensyon sa pagitan namin nung nakita niyang umatras na ko sabay taas ng dalawang kamay.

Gutom at pagod rin ang sabay kong nararamdaman at wala na kong lakas para makipag argue pa sa mga bagay...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow