Chick Magnet 7
Story of Napoleon De Jesus
Chick Magnet 7
18+
By: Razel22
Lunes ng umaga habang nagkakape sa rooftop .Di maalis saking isipan ang aking natuklasan. Na ang babaeng aking kinikilala ay tatlo pala. Sari-saring katanungan ang tumatakbo saking isip na kung sino ba sa kanila .
Sino ba sa kanila ang babaeng aking pinangakuan? Sino ba yung nabastos ko at yung babaeng nakasama ko sa lobby at nakagawa ng sekswal na gawain. Di ko maitukoy kung sino ba talaga sa kanila.
At yung Crispitita Ratbur pala na pangalan sa FB ay tatlo pala sila na sina Cristy, Pamela at Tiffany. Ang inaakala kong may mood swing o nagpaiba iba ng ugali ay mali pala. Puro na lang pala.
" Argghhhh tangina. Pano to?" gulong gulo ang aking isipan dahil sa di ko talaga alam ang gagawin. Agad na kinuha ko ang Cellphone sabay bukas ng messenger dahil sa nagbabakasakaling online ang aking Ninong Kebin. Siya lang kasi lagi ang hinihingan ko ng advice sakaling gulong gulo ang aking isipan.
Ngunit nung makita kong offline ito ay napasandal na lang ako sa sandalan ng silya at napatingala sa kalangitan. " Siguro mamaya pwede na " bulong ko at napahinga ng malalim.
Mas lalo akong nalungkot dahil sa di na daw babalik yung tatlo sa Maria's Apartment. Di naman ako nawalan ng pag-asa dahil sa sinabi rin ni Cristy na pwede naman akong bumisita dun pag naroroon sila.
Tahimik lang sina Tiffany at Pamela kaya si Cristy ang aking nakakausap lagi. Sa tingin ko siya yung babaeng nakaschedule sa hapon na umiinom ng alak at nag sisimulang ng videoke at kasiyahan. Napag-alaman ko rin kay Cristy na si Tiffany ay ang kasama lagi ng matandang si Lilia sa pagmamanage ng paborito kong nila...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





